Manila, Philippines – Inilabas ng Palasyo ng Malacañang ang Executive Order number 68 na siyang bumubuo sa National Anti-Money Laundering and Countering the Financing of Terrorism Coordinating Committee o NACC.
Layon ng nasabing kautusan na magkaroong ng mga panuntunan at mga plano para labanan ang money laundering na isang paraan para maisalegal ang salapi na nakuha sa masamang paraan at ang pagpoponmdo sa mga terrorist groups.
Tututukan naman ang NACC ang implementasyon ng kautusang ito at ito din ang magrerekomenda ng mga tanggapan ng pamahalaan ng mga kinakailangang aksyon.
Ang coordinating committee ay pamumunuan ng executive secretary o ng kanyang itatalagang kinatawan kung saan tatayo naman bilang Vice-Chairman ang Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng Chairperson ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.
Habang mga miyembro naman ang mga kalihim ng Department of foreign Affairs, Department of Finance, Department of Justice, Department of National Defense, department of Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, at iba pang tanggapan ng Pamahalaan.