TUTUTUKAN | CPP-NPA-NDF consultants, aarestuhin na ng AFP

Manila, Philippines – Mas tutukan na ng militar ang pag-aresto sa mga consultant ng Communist Party of the Philippines (CPP) New People’s Army (NPA) National Democratic Front (NDF) ngayong promal nang tinapos ng Pangulong Rodrigo duterte ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo.

Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, kanselado na ngayon ang safe conduct pass na ibinigay noon ng gobyerno sa mga consultant ng CPP NPA NDF para pansamanatalang makalaya at makalahok sa peacetalks.

Nagbabala rin ang militar na madadamay sa pag-aresto ang sinumang mapapatunayang nagkakanlong sa NPA lalot itinuturing na ngayon ang mga ito na terorista.


Hindi naman direktang masabi ni Padilla kung maglulunsad na ang militar ng giyera laban sa NPA.

Pero siniguro nito na paiigtingin ngayon ng AFP ang focused military operations sa mga lugar na may presensya ng mga rebeldeng grupo.

Facebook Comments