TUTUTUKAN | DTI, babantayan ang kalidad at presyo ng mga bilihin sa sari-sari store

Manila, Philippines – Simula sa Hunyo ay babantayan na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kalidad at presyo ng mga bilihin sa mga sari-sari store.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, bahagi ito sa pinaigting na pag-monitor ng DTI sa mga presyo para matiyak na walang magsasamantala sa mga mamimili.

Sabi ni Lopez, aalukin rin nila ang mga sari-sari store owner ng kanilang “suking tindahan” seal na magsisilbing patunay na nagbebenta ang isang tindahan ng mga pangunahing bilihing pasok sa Suggested Retail Price (SRP).


Plano rin ng DTI na imungkahi sa Department of Agriculture (DA) na patawan na rin ng SRP ang mga agricultural products kahit sa Metro Manila lang muna.

Facebook Comments