TUTUTUKAN | Extradition ng Kuwaiti government sa Lebanese suspect na pumatay sa OFW na si Joana Demafelis, hindi na matutuloy

Manila, Philippines – Hindi na matutuloy ang extradition ng gobyerno ng Kuwait sa Lebanese na suspek sa pagpatay sa Overseas Filipino Worker na si Joana Demafelis.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nakakulong na ngayon sa Lebanon ang suspek na si Nader Essam Assaf.

Aniya, sa Lebanon na lilitisin si Assaf na ngayon ay nahaharap sa kasong murder.


Bukod kay Assaf, nahaharap din sa parehong kaso ang kanyang asawang Syrian na si Mona Hassoun.

Tiniyak naman ni Roque na tututukan ng Pilipinas at Kuwait ang kaso sa Lebanon.

Matatandaang nagpatupad ng deployment ban para sa mga OFW sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte matapos matagpuan ang bangkay ni Demafelis sa loob ng freezer.

Facebook Comments