TUTUTUKAN | Implementasyon sa mga probisyong nilagdaan ng Kuwait at Pilipinas, babantayan ng binuong komite ng DOLE

Manila, Philippines – Matapos ngang mapirmahan ang kasunduan sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas na naglalayong protektahan ang kapakanan ng mga OFWs, sinabi ngayon ni Labor Secretary Silvetre Bello III na tututukan nila ngayon ang implementasyon ng nilalaman ng kasunduan.

Ayon kay Bello, bumuo na sila ng joint committee na kinabibilangan ng Labor Attache at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Arnel Ignacio.

Naatasan ang joint committee na ito na magsagawa ng periodic visitation para mas ma-monitor at ma-assess ang kondisyon ng mga OFWs sa Kuwait.


Mayroong 262, 000 documented OFWs sa Kuwait, kung saan 170,000 sa mga ito ay household workers.

Matatandaang kagabi nang ipaalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban ng mga household workers sa Kuwait.

Facebook Comments