Manila, Philippines – Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa mga abusadong motorista na gumagamit ng sirena at blinkers o ‘wang wang’.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – nagkataon aniya na may ilang tao na marami ang pera na kayang bumili ng mamahaling sasakyan na may sirena at blinkers.
Dagdag pa ni Albayalde – iniisip ng mga ito na awtorisado ang paggamit nito pero maghihigpit sila dahil ilegal ito lalo na sa mga sasakyang hindi naman pinapayagan ng batas.
Tugon ito ng pnp matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na habulin ang mga sasakyang ilegal na gumagamit nito.
Batay sa batas, ang mga response vehicles tulad ng ambulansya, fire trucks at police mobile ang maari lamang gumamit ng sirena at blinkers.