TUTUTUKAN | Peace agreement sa BIFF, target ni AFP Chief of Staff General Galvez

Manila, Philippines – Susunod na tutukan ni AFP Chief of staff General Carlito Galvez Jr na makabuo ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF, pagkatapos ng kanyang pagreretiro sa militar.

Ito ang inihayag ni Galvez sa Press conference sa Camp Aguinaldo matapos ang deklarasyon ng pagwawakas ng giyera sa pagitan ng AFP at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Galvez, sa kanyang napipintong pagretiro sa serbisyo sa December 12, nais sana niyang ipagpatuloy bilang isang sibilyan ang nasimulan niyang pagtratrabaho para sa kapayapaan sa Mindanao.


Tinanggap naman aniya ni Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza ang kanyang alok na maglingkod bilang consultant sa peace process para himukin narin ang BIFF na makiisa sa kapayapaan.

Ang BIFF ay breakaway group ng MILF, na kumalas noong 2008 dahil hindi sila pabor sa pakikipagsundo ng MILF sa pamahalaan na mabigyan sila ng autonomiya sa halip na full independence.

Sinabi naman ni MILF Chair Murad na inaasahan niyang magiging positibo ang resulta ng pagsisikap ni Galvez na mag “reach out” sa BIFF dahil narin sa kanyang magandang rapport sa mga MILF commanders noong panahon na si Galvez ay kabilang sa AFP Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities.

Facebook Comments