TUTUTUKAN | PNP – bumuo na ng special investigation task group na tututok sa kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe

Manila, Philippines – Bumuo na ng special investigation task group ang Philippine National Police (PNP) para tutukan ang kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe sa Daraga, Albay kahapon.

Namimigay umano ng regalo para sa mga senior citizen at mga persons with disability ang kongresista nang maganap ang krimen.

Si Batocabe ay sinasabing kandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Daraga.


Ayon kay PNP Spokesperson Police C/ Supt. Benigno Durana – ginagawa na nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Kongresista at ng police escort nito na si SPO1 Rolando Diaz.

Kasabay nito, nagpaabot na rin pakikiramay ang pambansang pulisya sa pamilya ng dalawa.

Umapela naman ang pnp sa publiko na agad makipag-ugnayan sa kanila sakaling may makuhang impormasyon hinggil sa nangyaring pananambang.

Facebook Comments