TUTUTUKAN | QCPD, imomonitor pa rin ang transport strike ng PISTON hanggang mamayang gabi

Manila, Philippines – Imomonitor ng Quezon City Police District (QCPD) ang
aktibidad ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide
(PISTON) hanggang sa pagsapit ng rush hours mamayang gabi.

Batay sa sumbong ni Atty. Aileen Lizada, LTFRB board member, puwersahan na
kung mamilit ang PISTON sa bahagi ng C3 road Caloocan at namamako na para
mag-flat ng gulong sa mga ayaw sumamang tsuper sa Sucat Parañaque City.

Sinabi QCPD Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar na bagamat hindi
naman nakakaabala sa daloy ng trapiko ang PISTON, wala dahilan para buwagin
ang maliit lamang na grupong pinangungunahan ni George San Mateo


Pero, ibang usapin na kapag nagpakita ng dahas ang PISTON.

Facebook Comments