TV ad para sa People’s Initiative Campaign, umabot ng P55-M

Umabot sa P55 million ang nagastos ng People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA) para sa television advertisement ng People’s Initiative Campaign.

Sinabi ni PIRMA Lead Convenor Noel Oñate sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na umabot sa P55 million ang kanyang nagastos para sa campaign advertisement ng People’s Initiative sa tatlong malalaking TV network.

Nang matanong naman ni Senator Chiz Escudero kung saan galing ang nasabing halaga, tugon ni Oñate, kalahati sa P55 million ay sarili niyang pera habang ang kalahati pa ay mula sa kontribusyon ng mga kaibigan at tagasuporta ng People’s Initiative.


Sa mga kontribusyon ay may nagbigay aniya ng P500,000, P1 million at P2 million pero hindi muna ibinigay ni Oñate ang pangalan ng contributors.

Nabahala naman ang mga senador dahil ibinigay lang ng ‘cash’ ang halaga sa mga advertising agency at walang maipakitang resibo at proper documentation.

Facebook Comments