TV comeback ni Kris Aquino, naunsyami

Inamin ng aktres na si Kris Aquino na hindi na matutuloy ang kaniyang pagbabalik telebisyon.

Sa kaniyang Instagram account, sinabi ni Kris noong May pa dapat ang kaniyang TV comeback pero pinalitan siya ng producer at sales team ng programa sa artistang mas may kakayanang gawin ang proyekto.

Sa kabila nito, sinabi ni Kris na imbes na mag-focus sa mga bagay na hindi para sa kaniya, pinagpapasalamat na lang niyang nagnegatibo sila ng kaniyang anak na si Bimby sa COVID-19 matapos magkaroon ng direct contact sa mga taong nagpositibo sa virus.


Matatandaang July 30 nang inanunsiyo ni Kris na magbabalik telebisyon sana siya sa programang “Love Life with Kris,” na mapapanood sa TV 5.

Facebook Comments