Nagsasagawa na ng diskusyon ang ilang stakeholders na pinangungunahan ng Department of Science and Technology (DOST) at Higher Education Institutions (HEIs) para sa paggamit ng TV frequencies para sa distance learning.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, sinisilip ang multi-modal approach para mapunan ang pangangailangan ng isang lokalidad at matugunan ang ilang hamon tulad ng limitado o walang internet access sa mga pampublikong paaralan at walang access na digital, cable at analog TV sa mga rural areas.
Ang DOST ay nakikipagtulungan na sa Department of Education (DepEd), Department of Information and Communications Technology (DICT), Advanced Science and Technology Institute (DOST-ASTI), Science Education Institute (DOST-SEI) at Science and Technology Information Institute (DOST-STII).