TV host sa Hong Kong na nakabundol ng Pinoy, hinatulan na ng korte

376

Hinatulan ng korte sa Hong Kong ng 200 hours na community service at pagmultang HK$2,000 ang local food blogger at TV host na si Bonnie Chu Ting-hyun, 47.

Ito ay matapos na makabundol ng 54 taong gulang na Pilipinong tumatawid sa pedestrian lane noong January 28, 2022.

Bukod dito, sinuspinde rin ng korte ang driving license ni Chu sa loob ng dalawang taon.


At kapag nahuli siyang nagmamaneho sa harap ng suspension sa kanyang driver’s license, agad siyang bibitbitin papuntang presinto.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Chu sa aksidente at sa paglabag sa batas trapiko ng Hong Kong at karamihan dito ay napatunayan na siya ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Facebook Comments