TV interview ni Palparan, iimbestigahan ng DOJ

Iimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang naging interview sa telebisyon ni retired Major General Jovito Palparan, Jr., na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, hindi nakatanggap ng request o humingi ng permiso para sa isang panayam sa media ang korte na nagbigay ng sintensya kay Palparan.

Nabatid na lumabas si Palparan sa SMNI News channel noong Miyerkules, suot ang uniporme para sa mga inmates kung saan tinanong siya ng mga detalye ng kidnapping case na naging dahilan ng kaniyang pagkakakulong.


Matatandaang nahatulang guilty ang retiradong heneral sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas noong 2006 at hanggang sa ngayon ay nawawala pa rin ang mga biktima nito.

Facebook Comments