TWG, nagtakda ng fare matrix para sa motorcycle hailing services

Asahan ang mababang pasahe sa mga gumagamit ng app-based motorcycle taxi services.

Ito ay dahil ipinahinto muna ng transport regulators ang pagpapatupad ng surge fees sa extended pilot test na magtatagal hanggang Marso ng susunod na taon.

Base sa revised guidelines para sa pilot implementation ng motorcycle taxis, ang Technical Working Group (TWG) ay nagtakda ng fare matrix para sa Angkas, Joyride at Move It.


Ang pasahe para sa bike-hailing services na nag-o-operate sa Metro Manila ay naka-set sa 50 pesos sa unang dalawang kilometro, may dagdag na 10 piso sa mga susunod na kilometro hanggang sa maabot ang pitong kilometro, at 15 piso sa mga susunod pang kilometro.

Sa Metro Cebu, ang mga pasahero ay sisingilin ng 20 pesos sa unang kilometro, 16 pesos sa mga susunod na kilometro hanggang walong kilometro, at 20 pesos naman kapag lumagpas sa walong kilometro.

Matatandaang 39,000 ang pinayagan ng LTFRB na registered bikers – 30,000 sa Metro Manila at 9,000 sa Cebu na paghahatian ng tatlong motorcycle hailing services.

Facebook Comments