TWG ng DOTr, dumistansya sa bagong patakaran ng Angkas

Dumistansya ang Technical Working Group for Motorcycle Taxis sa bagong patakaran ng hailing service na Angkas.

Base sa bagong guidelines ng Angkas, pwede nang tanggihan ng kanilang mga rider ang mga mabibigat na pasahero.

Ayon kay Transportation Asec. Bert Suansing – ang minamandato lamang nila sa mga anumang transport network service ay tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.


Pero sinabi ni Suansing na sang-ayon sila na hindi pwedeng isakay sa mga motorsiklo ang mga nakasuot ng tsinelas, buntis at may sakit.

Hiniling din ng TWG sa mga motorcycle companies na ayusin ang sukat ng mga helmet.

Facebook Comments