Inihayag ngayon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mayroong ginagawa ang TWG o Technical Working Group kung saan sila ang namamahala ng alokasyon para matugunan ang kakulangan ng supply ng tubig sa Metro Manila.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Patrick Dizon ng MWSS Division Mnager Site Operation Management na nagsagawa na sila ng mga draft upang maresolba ang problema sa kakulangan ng tubig.
Paliwanag ni Dizon binabalangkas na ng kanilang TWG upang mapag-aralan ng pangmatagalan ang naturang problema ng kakulangan ng tubig.
Dagdag pa ni Dizon na nakita na sa kanilang pag aaral na dapat magmimintine ng mga planta na kayang makapagbigay ng serbisyo sa mga Pilipino.
Facebook Comments