TWG ng NEDA binuo para pag-aralan ang social at economic impact ng COVID-19 sa bansa

Bumuo ng hiwalay na Technical Working Group (TWG) ang Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) para sa anticipatory and forward planning na pamumunuan ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa virtual presscon ni IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sinabi nitong layon ng itinatag na TWG na mabatid ang social at economic impact ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Nograles, ang nasabing TWG ang s-yang nag-aaral sa epekto ng month long Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ) at kanila itong isusumite sa IATF.


Susuriin naman ng task force ang rekomendasyon ng TWG ng NEDA at dito malalaman kung magkakaroon ba ng partial o total lifting ng ECQ pagsapit ng April 12.

Sa report kamakailan ng NEDA na “Addressing the Social and Economic Impact of the COVID-19 Pandemic,” nakasaad dito na may dagok sa ekonomiya ng bansa ang month-long Luzon-wide lockdown dahil lubos na naapektuhan ang mga tinaguriang economic drivers ng bansa tulad ng tourism, trade, remittances at consumption.

Facebook Comments