Twin executive orders at rice import ban, makakatulong sa mga biktima ng kalamidad

Naniniwala si Senator Kiko Pangilinan na napapanahon ang sagip-buhay na mga hakbang ng pamahalaan ngayong sunod-sunod ang mga kalamidad sa bansa matapos maglabas ng twin executive orders ang pamahalaan sa gitna ng pananalasa ng mga bagyo.

Ang mga ito ay ang EO 100 na nagbibigay mandato sa Department of Agriculture (DA) na magtakda ng floor price sa pagbili ng palay para hindi malugi ang mga magsasaka ngayong may mga kalamidad at ang EO 101 o ang Sagip Saka Act kung saan ang pamahalaan at mga LGUs ay direktang bibilhin ang mga ani ng mga magsasaka at huli ng mga mangingisda nang walang public bidding.

Naniniwala si Pangilinan na magkatuwang ang dalawang EO na ito na magpapatatag sa farmgate prices at magpapahusay ng market access ng publiko sa mga produkto.

Bukod dito, malaking tulong din aniya sa mga magsasaka ang pagpapalawig sa rice import ban hanggang sa katapusan ng taon at pagtaas ng taripa na makakatulong para maprotektahan ang mga lokal na producers at mga mamimili.

Naniniwala ang senador na kapag maayos ang pagpapatupad ng mga kautusang ito ay makatutulong para sa pagsasa-ayos ng taripa, kontrol sa pag-import, seguridad sa pagkain, sapat na kita sa mga magsasaka at mga mangingisda at abot-kayang pagkain sa bawat pamilya.

Facebook Comments