Sa halip na mahahalagang impormasyon tungkol sa paglaban sa Coronavirus disease (COVID-19), hubo’t-hubad na larawan ng isang babae ang bumulaga sa mga taga-lungsod ng Pasig na naghahanap ng tugon ng lokal na pamahalaan sa Twitter account ng Pasig Public Information Office (PIO).
Ayon kay Pasig City Public Information Office Chief Ron Angles na nagkaroon ng glitches ang kanilang Social Media Account dahilan kaya ito napasok ng mga hacker.
Ang nasabing Twitter Account ay isa sa pitong Social Media Accounts na ginagamit ng Lokal na pamahalaang lungsod ng pasig para makakuha ng impormasyon, hindi lamang ang mga mamamahayag kundi maging ang publiko na nakatutok habang nasa ilalim ng Quarantine period.
Nakasaad sa text ng nasabing malaswang larawan, ang mga letra na nasa wikang turkish at ang @zeynep_inki (türkçe altyazılı) na may kahalintulad na text ay isang Pornographic Twitter Account.
Agad din namang naisaayus ng technical team ang na-hack na twitter account ngunit wala pang linaw kung natukoy na ang kung sino ang hacker at kung ano ang motibo ng mga ito.
Ang nasabing twitter account ay isa lamang sa pitong official Social Media account na gamit ng pasig city government kabilang na ang @vicosotto na Facebook, Twitter at Instagram Account ni Mayor Vico Sotto.