Isinusulong na ang pagkakaroon ng two-child policy sa Uttar Pradesh sa India.
Sa ilalim ng panukalang batas, hanggang dalawang anak na lamang kada pamilya ang papayagan ng estado sakaling maaprubahan ito.
Ang mga mag-asawang may higit dalawang anak naman ay hindi na mabibigyan ng suporta at benepisyo mula sa Uttar kabilang na rin ang hindi pagtanggap sa kanila sa state-government jobs.
Ang two-child policy ay ipapatupad dahil sa limitadong ecological and economic resources ng Uttar, kung saan itinuturing na most-populated state sa India.
Facebook Comments