Sinimulan na kahapon ang pagsasagawa ng housing fair ng Pag-Ibig Fund-Dagupan Branch para sa mga miyembro nito sa Pangasinan na nais kumuha o mag-avail ng housing loans programs.
Naglalayon ang pagsasagawa ng fair na ito na maisulong ang mga housing program ng Pagibig Fund at matulungan ang mga miyembro sa kanilang application at maturuan sa pag-process ng pag-avail ng housing loan.
Bukas ang nasabing fair sa lahat ng miyembro at mamaya na ang pangalawa at huling araw nito, 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa CSI The City Mall.
Pauunlakin rin nila ang mga Pangasinense na hindi pa miyembro dahil maaari naman daw iproseso ang kanilang membership para sa kanilang kagustuhang makapag-avail ng ibat ibang benefits mula sa Pag-ibig Fund. |ifmnews
Facebook Comments