Hiniling sa Kamara ng ilang mambabatas na ibalik ang two-party system sa bansa.
Ito ay kasunod na rin ng mga kandidato nitong nagdaang 2019 midterm Election na tumakbo na wala man lang kalaban.
Sa Congressional candidates, 34 dito ang tumakbong ‘unopposed’ bukod pa ito sa governor, mayor at iba pang local posts na kumandidatong walang kalaban.
Iginiit sa Kamara na hindi maganda na wala ng choice o mapagpipilian ang mga botante tuwing halalan.
Minsan pa ay nakikipag-negosasyon ang mga kandidato kapalit ng hindi pagtakbo ng mga kalaban.
Nawawala ang demokrasya at pagkakapantay-pantay sa ginagawang ito ng mga pulitiko.
Dahil dito, nanawagan ang ilang kongresista na ibalik ang two-party system para maibalik ang check and balance sa local government post.