Two Strike Policy, ipatutupad ng Anti Red Tape Authority sa mga ahensya ng pamahalaan

Umapela sa publiko ang Anti Red Tape Authority o ARTA na magsumbong sa kanilang tanggapan laban sa mga ahensiya ng pamahalaan na may talamak na katiwalian sa pagpo-proseso ng mga dokumento sa gobyerno.

Sa isang forum sa Maynila, sinabi ni ARTA Dir. Gen. Atty. Jerimiah Belgica na magiging malaking tulong sa kampanya ng pamahalaan kontra red tape ang tulong ng publiko lalo nat kulang sila sa tao.

Ang ARTA ay nabuo sa ilalim ng R.A.  11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 o mas pinalakas na bersyon ng Anti-Red Tape Act of 2007.


Ayon kay Belgica, sa ilalim ng R.A. 11032 dapat ay tatlong araw lamang aabutin ang simpleng transakyon sa pamahlaan.

Pitong araw naman kapag komplikado ang transakyon at 20 araw kapag ang transaksyon ay may kaugnayan sa public health at public safety.

Sinabi ni Belgica na magpapatupad sila ng 2 strike policy sa mga ahensiya ng pamahlaan na hindi makasusunod sa nasabing panuntunan.

Facebook Comments