Two-time NBA MVP Stephen Curry nagbigay ng $136,000 o P6.9 million pesos sa hurricane Harvey relief fund

Sports – Ayon sa active faith sports, magbibigay sila ng $1,000 sa kada three-point shot na maipapasok ni Curry sa 25 attempts.

Sa Instagram post ng apparel brand, labing walong tira ang naipasok ni Curry at tinapatan nito ang donasyon ng active faith na dinagdagan pa niya ng $100,000.

Mensahe pa ni Curry sa mga libo-libong residente na apektado ng pagbaha sa Houston “Our prayers to the families, we got your back.”
Si Curry ang pinakahuling atleta at mga prominenteng mga personalidad sa Amerika na nagbigay ng tulong sa mga taga-Houston.


Facebook Comments