Two-time Olympics gold medalist Carlos Yulo, binigyan ng ₱20-M ni PBBM; 22 Pinoy athletes, may tig-₱2-M din!

Binigyan ng ₱20 million ng Office of the President si back-to-back 2024 Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo.

Ginawaran din ni Pangulong Bongbong Marcos ng Presidential medal of excellence si Yulo para sa kaniyang dalawang gintong medalya sa gymnastics.

Tinanggap ni Yulo ang parangal kasama sina Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carreon at Board Member Rebecca Wata at Chloe San Jose, ang girlfriend ni Carlos.


Nakatanggap din ng presidential citations at tig-₱2 million mula sa Pangulo ang mga Pinay boxer na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio.

Samantala, may tig-dalawang milyong pisong reward din ang 22 Pilipinong atletang may medalya man o wala.

Ang ₱1 million ay magmumula sa PAGCOR habang ang ₱1 million naman ay galing sa Opisina ng Pangulo.

Makatatanggap din ng ₱500,000 ang coaching staff ng mga atleta.

Facebook Comments