TY MANGKHUT | Pinay na sumailalim sa leg surgery, sinusubaybayan ng DFA

Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng isang Filipina tourist na sumailalim sa leg surgery makaraang tamaan ng flying debris sa kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Mangkhut sa Hong Kong.

Ayon kay Consul General Antonio Morales hindi pinababayaan ng konsulada ang nasabing Pinay sa katunayan, binisita ng ilang consulate officials ang biktima upang personal na alamin ang kalagayan nito.

Nakahanda rin aniya ang konsulada na bigyan ng financial assistance ang ating kababayan.


Sinabi pa ni Morales na tuloy din ang kanilang ugnayan sa mga kasama nito nuong mangyari ang insidente.

Kabilang ang Pinay sa 32 myembro ng tourist delegation na nailigtas makaraang ma-stranded ang sinasakyan nilang bus. Matapos hagupitin ng malakas na hangin na nagresulta sa pagkabasag ng windshield ng sinasakyan nilang bus.

Maliban sa nasabing grupo, tuloy din aniya ang ugnayan nila sa 227,000 Filipinos sa Hong Kong at nakahandang umagapay saka-sakaling kailanganin ng tulong.

Facebook Comments