TY OMPONG | Higit 40 bangkay na biktima ng landslide sa Benguet, narekober

Benguet – Umabot na sa 43 mga bangkay ang narekober matapos matabunan ng lupa sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong sa Itogon, Benguet.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isa naman ang nakaligtas sa pagguho ng lupa habang nasa 30 ang nawawala.

Sabi naman ni Office of Civil Defense Chief Ricardo Jalad, mayroon na silang naitalang 53 na nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong pero posible pa itong tumaas.


Facebook Comments