Typhoon Aghon, lalo pang lumakas habang nasa Silangan ng Aurora; 2 lugar, nakasailalim sa TCWS no. 2

Lumakas pa ang Typhoon Aghon habang nasa Silangan ng Aurora.

Huli itong namataan sa layong 90 kilometers Timog-Silangan ng Baler, Aurora.

Kumikilos ito sa pa-hilagang silangan sa bilis na 10 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 130 km/h at pagbugsong hanggang 160 km/h.


Sa kabila nito, ibinaba na sa tropical cyclone wind signal (TCWS) Signal No. 2 ang Polillo Island.

Signal Number 2 rin sa Aurora at hilagang bahagi ng Quezon partikular ang Infanta at General Nakar.

Signal Number 1 naman sa:

  • Silangang bahagi ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian, Palanan, Dinapigue)
  • Eastern portion of Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay), The Eastern Portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax Del Sur, Dupax del Norte)
  • Eastern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, Llanera)
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Cavite
  • Laguna
  • Gitnang bahagi ng Quezon (Pitogo, Buenavista, Lucena City, Calauag, Pagbilao, Tiaong, Lopez, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, San Antonio, Alabat, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Macalelon, Mauban, Dolores, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan)
  • Camarines norte
  • Hilagang-Kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Sipocot, Ragay, Del Gallego, Lupi, Siruma)Bago ito, siyam na beses nang nag-landfall ang Bagyong Aghon –– pinakahuli sa Patnanongan, Quezon.

    Batay sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na lalakas ang bagyo habang nasa Philippine Sea at mananatili ito sa typhoon category hanggang makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ng tanghali o gabi.

Facebook Comments