Typhoon “Bising”, bumagal pero napanatili ang lakas habang kumikilos papuntang Mainland Cagayan; 7 probinsya sa Luzon, nakasailalim pa rin sa signal no. 1

Bumagal pero napanatili ng Typhoon “Bising” ang lakas nito habang kumikilos pa-hilagang kanluran sa silangan ng Mainland Cagayan.

Alas-10:00 kaninang umaga, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 360 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometers per hour.


Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 175 kph at pagbugsong hanggang 215 kph.

Nakataas na lamang ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
  • Silangang bahagi ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
  • Silangang bahagi ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal)
  • Silangang bahagi ng Isabela (Ilagan, San Mariano, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Santa Maria, Delfin Albano, Santo Tomas, Quezon, Quirino, Gamu, Naguilian, Benito Soliven, Reina Mercedes, Mallig, Burgos, Roxas, Cauayan City, Luna, San Manuel, Cabatuan, Aurora, Dinapigue, San Mateo, Alicia, Angadanan, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Isidro)
  • Hilagang bahagi ng Quirino (Maddela)
  • Hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag)

Sa Sabado, inaasahang hihina ang Bagyong “Bising” at magiging severe tropical storm na lamang habang tropical storm pagsapit ng Linggo.

Facebook Comments