Nag-abiso na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nakatira sa southeastern coast ng Estados Unidos dahil sa inaasahang pagtama ng typhoon Florence.
Ayon sa DFA nakipag-ugnayan na sila sa Filipino community doon upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.
Sinabi naman ni Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na nakapagpalabas na sila ng advisory sa tinatayang 150,000 members ng Filipino community sa Virginia, North Carolina at South Carolina, ang mga lugar kung saan inaasahang hahagupitin ng bagyo.
Inaasahan kasing magiging hurricane ito kapag tumama sa kalupaan.
Idineklara narin ang state of emergency sa mga maaapektuhang Estado bilang preparasyon sa pag-landfall ng bagyo.
Kasunod nito tiniyak ni Ambassador Romualdez na patuloy na imo-monitor at makikipag-coordinate sa mga Pinoy na posibleng maapektuhan ng bagyo.
Maaari din anila silang tumawag sa numerong (202) 368 2767 para sa agarang tulong.