Lumakas pa ang Typhoon “Jenny” habang tumatawid sa hilaga ng Batanes papuntang Southern Taiwan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 125 kilometers hilaga ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
May lakas ito ng hanging umaabot sa 165 km/h malapit sa gitna at pagbugong 205 km/h.
Nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa buong lalawigan Batanes.
Signal number 2 naman sa hilagang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan at Calayan Islands).
At signal number 1 sa:
natitirang bahagi ng Babuyan Islands
Northern portion ng Mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Gattaran)
Northern portion ng Apayao (Calanasan, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Flora)
Northern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, Dumalneg, Laoag City)
Samantala, pinalalakas pa rin ng bagyong Jenny ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan ngayong araw sa Aurora, Bataan, Romblon, ilang bahagi ng CALABARZON, Metro Manila at Bicol Region.