Patuloy na lumalakas ang Typhoon “Jenny.”
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 410 kilometers Silangan ng Basco, Batanes.
May lakas ito ng hangin na umaabot sa 165 kilometers per hour at pagbugsong nasa 205 km/h.
Kumikilos ang bagyo pa-Hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes.
Signal number 1 naman sa sumusunod na lugar:
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Northern and eastern portions of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Dinapigue, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Quirino, Delfin Albano, Quezon, Mallig)
Apayao
Northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
Northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)
Ilocos Norte
Simula bukas, mararamdaman ang unti-unting paghina ng Typhoon Jenny.
Sa Huwebes naman ng hapon ito inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility.