Typhoon Julian, lalo pang lumakas habang malapit sa bisinidad ng Basco, Batanes

Lalo pang lumakas ang Typhoon Julian na huling namataan sa layong 700 kilometers hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour (km/h) at pagbugsong aabot sa 190 km/h.

Kumikilos ito pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 35 km/h.


Batay sa tinatahak na direksyon ng bagyo, inaasahang lalabas ito ng bansa mamayang gabi o bukas ng umaga at tutungo sa bahagi ng karagatan ng Japan.

Dahil sa bagyo, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang; Ilocos Region, Zambales, at Bataan.

Magiging maulap din ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa bunsod naman ng pinag-ibayong southwest monsoon at localized thunderstorms.

Facebook Comments