Typhoon ‘Kammuri,’ posibleng pumasok ng PAR bukas

Malapit na sa border ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon ‘Tisoy’ o may international name Kammuri.

Huling namataan ito sa layong 1,350 kilometers silangan ng Southern Luzon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 130 kilometers per hour at ang pagbugsong nasa 160 kph.


Kumikilos ito pakanluran sa bilis sa 25 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – posibleng pumasok na ito ng PAR bukas ng gabi o sa Linggo ng umaga.

Mataas ang tiyansang lumakas pa ito at posibleng umabot sa ‘supertyphoon’ category.

Sa taya ng PAGASA, sa Martes (December 3) ay posibleng mag-landfall ang bagyo sa Bicol Region.

Sa ngayon, may mahihinang ulan sa hilagang Luzon dulot ng hanging amihan habang may isolated thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.

Facebook Comments