Typhoon Onyok, posibleng lumabas ng PAR

Lumakas pa ang typhoon Onyok.

Huling namataan ang bagyo sa layong 180 kilometers hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Umaabot na sa 120 kilometers per hour ang lakas ng hangin nito at pagbugsong nasa 150 kilometers per hour.


Kumikilos ang bagyo hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – inaasahang lalabas ang bagyo mamayang gabi.

Kaya asahan ang pag-ulan sa silangang bahagi ng hilagang Luzon.

Delikadong maglayag sa hilaga at silangang baybayin ng Luzon.

Samantala, natitirang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ay maaliwalas ang panahon maliban sa isolated thunderstorms.

Facebook Comments