Typhoon Ursula, napanatili ang lakas habang nasa bisinidad ng Occidental Mindoro

Napanatili ng bagyong ursula ang lakas nito habang patuloy na kumikilos sa katimugang bahagi ng Mindoro provinces.

Huling namataan ang bagyo sa layong 15 kilometro ng timog-silangan ng San Jose, Occidental Mindoro.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kph.


Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kph.

Dahil ditto, nakataas ang tropical cyclone wind signal (tcws) sa mga sumusunod na lugar:

Signal number 3
Southern Oriental Mindoro
Southern Occidental Mindoro
Caluya at Calamian Islands

Signal number 2
Romblon
Batangas
Marinduque
Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
Cuyo Islands
Extreme northern portion ng mainland Palawan
Capiz
North Western ng Aklan
Northern Antique

Signal number 1

Bataan
Cavite
Laguna
Natitirang bahagi ng Northern Mainland Palawan
Southern portion ng Quezon
Capiz
Nalalabing bahagi ng Antique
Natitirang bahagi ng Aklan

Asahan na ang panaka-naka hanggang may kalakasang pag-ulan sa Mindoro Provinces at sa Calamian Islands.

Katamtamang ulan naman ang iiral sa Romblon, Aklan, Capiz, Calabarzon, Marinduque, Aurora, and northern portion ng Mainland Palawan.

Patuloy namang nakataas ang gale warning sa mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal gayundin ang baybayin ng aurora at northern at eastern seaboards ng Mindanao.

Facebook Comments