Tzu Chi Foundation, namahagi ng PPEs sa mga ospital ng gobyerno

Namahagi ang Tzu Chi Charity Foundation ng umaabot sa 247,000-unit ng personal protective equipment (PPEs) para sa iba’t-ibang hospital sa Metro Manila.

Naunang nakatanggap ng mga donasyon ng Tzu Chi Charity Foundation ang Veterans Hospital, San Lazaro Hospital, The Medical City at ang Orthopedic Hospital.

Ayon kay Henry Yuñez, CEO ng naturang organisasyon, namahagi sila ng mga PPEs sa iba’t-ibang hospital para magamit ng mga frontliners partikular na ang mga health workers at mga medical professionals dahil sa kakulangan ng PPEs sa mga pagamutan.


Iginiit ni Yuñez na nangangamba sila para sa kalagayan ng mga health workers na siyang nangangalaga sa buhay ng nga COVID-19 patients na ilan sa mga ito ay nasawi matapos na mahawa sa mga pasyente.

Tinitiyak din ng Tzu Chi Foundation na ang kanilang ipinamamahaging tulong na PPEs sa mga hospital sa bansa ay base sa international standard upang matiyak ang proteksyon ng kalusugan ng mga health workers.

Dagdag pa ni Yuñez, first batch pa lamang ang 247,000 libong PPEs  ang kanilang ipinamahagi sa mga hospitals at may 2nd batch pa silang darating sa mga susunod na linggo para mas marami silang hospital na matutulungan.

Facebook Comments