U.S-CDC, pinayagan na ang muling paggamit ng Johnson & Johnson vaccine

Maaari na muling magamit ang Johnson & Johnson Coronavirus vaccine sa Estados Unidos.

Ito ay matapos magkasundo ang mga miyembro ng Advisory Committee for Immunization Practices ng US Centers for Disease Control and Prevention na matimbang pa rin ang benepisyo ng bakuna kumpara sa risks na dulot nito mula sa blood clots o pamumuo ng dugo.

Inirerekomenda rin ng CDC ang paggamit ng Janssen COVID-19 vaccine para sa mga indibidwal na may edad 18-anyos pataas alinsunod sa Emergency Use Authorization (EUA) na iginawad ng US Food and Drug Administration.


Maliban dito, pumayag na rin ang mga opisyal ng Johnson & Johnson na i-update ang language para sa label ng kanilang bakuna.

Facebook Comments