Manila, Philippines – Binalaan ng mga opisyal ng United States Embassy ang publiko laban sa mga fixer hinggil sa pagkuha ng visa.
Ayon kay Consular Manager Leon Gendin na isa sa pangkaraniwang scam ng mga fixer ay ang pagkukunwaring nagtatrabaho sa US Embassy.
Nagsisimula ang nasabing isyu dahil sa mga ipinadadalang e-mail o text message kung saan nangangako ng pagbibigay ng visa kapalit ng halaga ng pera.
Pinaalalahanan ang publiko na dumaan sa tamang proseso para makakuha ng naturang travel document kung saan maaaring kumuha ng appointment para sa tourist visa sa loob ng limang araw at maaari itong maaprubahan ilang araw pagkatapos sumailalim sa interview.
Aabot naman ang application fee sa $160 US dollars o katumbas ng P8,335 at maaaring bisitahin ang official website ng embahada para sa karagdagang detalye ng proseso.