U.S. Navy sailor sa sikat na 1945 ”The Kiss” photo, pumanaw na

117

Pumanaw na ang tanyag na marino na nakilala sa iconic 1945 Time Square photo na pinamagatang “The Kiss”.

Ang sikat na litratong ito ay sumisimbulo sa pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Sa edad na 95, sumakabilang buhay na ang beteranong si George Mendoza dalawang araw bago ang kanyang 96th birthday.

Ang mga labi nito ay ililibing sa St. Columbia Cemetery sa kanyang hometown sa Rhode Island.

Ang larawan ay kuha ni Alfred Eisenstaedt sa Time Square noong Agosto 14, 1945 na hinahalikan ni Mendoza si Greta Zimmer Friedman kung saan nagdiwang ang marami ng sumuko ang Japan sa Estados Unidos.

Facebook Comments