U.S. President Donald Trump, magbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng hurricane Harvey

World – Isang-milyong dolyar ang ibibigay na tulong si U.S. President Donald Trump para sa mga naapektuhan ng hurricane Harvey.

Ayon kay White House Press Secretary Sarah Huckabee Sanders, mula ito sa personal na pera ni Trump.

Nakikipag-ugnayan na rin ang U.S. President sa mga organisasyon na pwedeng humawak sa donasyon.


Matatandaang nabatikos noon si Trump dahil sa pagiging kuripot niya sa pagbibigay ng tulong sa mga charitable institution.

Sa pinakahuling tala, 25 ang nasawi sa kasagsagan ng bagyo habang libo-libong residente ang nasiraan ng bahay.

Facebook Comments