UAAP | Akhuetie, Cansino nangunguna sa MVP at ROY race

Manila, Philippines – Ang big man ng UP Fighting Maroons na si Bright Akhuetie ang nangunguna sa statistical race para Most Valuable Player ng Season 81 ng UAAP.

Pagkatapos kasi ng unang round ng elimination may 77 statistical points ang player na naunang naglaro sa Perpetual Help sa NCAA. May 15.7 points, 15.7 rebounds, 3.6 assists at 2.1 blocks average per game si Akhuetie.

Nasa ikalawang puwesto naman si UE Red Warriors’ gunner Alvin Pasaol na mah 71.5714 statistical points; pangatlo si Angelo Kouame ng Ateneo na may 68.4266 statistical points. Pang-apat si Justine Baltazar ng De La Salle na may 64.5714 sps at panglima si Juan Gomez de Liano na may 60.5174 sps.


Nangunguna naman si CJ Cansino ng UST Growling Tigers sa Rookie of the Year race.

Facebook Comments