UAAP | Aldin Ayo, susunod na coach ng UST Growling Tigers

Manila, Philippines – Iiwan na ni Aldin Ayo ang De La Salle Green Archers para pamunuan ang University of Sto. Tomas sa susunod na season ng men’s basketball ng UAAP.

Ayon sa mga ulat nagpaalam na umano si Ayo sa La Salle para maging head coach ng Growling Tigers ito ay sa kabila ng mga naunang pahayag nito na babalik siya sa bench ng Green Archers.

Matatandang pinangunahan ni Ayo ang Letran Knights sa kampeonato ng NCAA kontra sa paboritong San Beda Red Lions noong 2015.


Sa paglipat nito sa La Salle noong nakaraaang taon napagkampeon din ni Ayo ang Green Archers sa UAAP.

Nakatakdang matapos ang kontrata ni Ayo sa DLSU sa December 31 ngayong taon.

Facebook Comments