UAAP | Bagong head coach ng DLSU, pormal ng uupo

UAAP – Pormal nang uupo bilang head coach ng De La Salle Men’s Basketball Team si Assistant Coach Louie Gonzales matapos na hindi bumalik sa Archers si Aldin Ayo.
Ilan taon din naging kapartner ni Gonzales si Ayo sa La Salle kung saan magkasama nilang nasungkit ang titulo noong Season 79 ng UAAP.
Nabatid na matagal nang magkakilala ang dalawa dahil naging assistant coach din sa letran si Gonzales habang basketball player naman si Ayo noong 1999.
Magiging katulong ni Gonzales si Glen Capacio dahil nabatid na kasama ni Ayo ang dalawang iba pang assistant coaches ng La Salle na lilipat daw sa University of Sto. Tomas.

Facebook Comments