UAAP | Blue Eagles, wagi kontra UP Fighting Maroons sa Game 1

42

Manila, Philippines – Naibulsa ng defending champion Ateneo Blue Eagles ang una nitong panalo kontra UP Fighting Maroon sa kanilang best-of-three final series ng UAAP season 81 men’s basketball championship kagabi.

Nagtapos ang laban sa iskor na 88-79 sa pangunguna nina Thirdy Ravena at Matt Nieto.

Nagtamo naman ng ankle injury ang big man ng up na si Bright Akhuetie matapos silang magkabungguan ni Ange Khoume ng Ateneo.

Pero nakabalik din siya sa court kung saan nagawa pang lumamang ng Fighting Maroons sa halfway ng huling kwarter, 71-68, pero agad ding nakabawi ang Blue Eagles.

Dahil dito, isang panalo na lang ang kailangan ng Ateneo para masungkit ang back-to-back UAAP title.

Gaganapin ang game 2 sa Araneta Coliseum sa Miyerkules, December 5.

Facebook Comments