UAAP | De La Salle Green Archers Ricci Rivero, itinangging gumamit ng droga kaya inalis sa team

Manila, Philippines – Dumipensa ang star player ng De La Salle Green Archers na si Ricci Rivero kasunod ng umuugong na isyung natanggal siya sa team dahil sa paggamit ng illegal drugs.

Giit ni Rivero, hindi siya gumamit at kahit kailan ay wala siyang balak na gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kasabay ng pahayag ay isinapubliko niya ang resulta ng kanyang latest drug test kung saan siya nag-negatibo.


Kamakailan ay inanunsyo ng Green archers ang pagli-leave si Rivero, kapatid niyang si prince at si Brent Paraiso dahil sa umano’y nilabag na panuntunan sa mga players.

Wala pa namang katiyakan kung kailan babalik sa hardcourt ang tatlo na kasalukuyang ginagampanan ang responsibilidad bilang mga estudyante.

Facebook Comments