UAAP | Green Archer player na si Ricci Rivero, magiging Fighting Maroons na!

Manila, Philippines – Trending ngayon sa Twitter ang La Salle star player na Si Ricci Rivero makaraan nitong kumpirmahin sa kaniyang twitter account na magta-transfer na siya sa University of the Philippines (UP).

Sa twitter post ni Rivero, sinabi nito, “Na when you’re down, there’s nowhere to go but up! Diliman here I come!”.

Nagpost rin ito ng larawan niya suot ang putting t-shirt na may nakasulat na Unibersidad ng Pilipinas.


Agad naman binaha ng pagbati si Rivero mula sa mga iskolar ng bayan.

Gayunpaman, hindi agad makakapaglaro sa UAAP si Rivero dahil kailangan muna nitong bunuin ang 1 year residency policy ng UP, kaya at inaasahan na sa UAAP Season 82 pa nito, muling makikita ng mga fans.

Facebook Comments