UAAP | Lady Eagles, hindi pinaporma ang koponan ng FEU

UAAP – Straight set loss ang ipinatikim ng Ateneo Women’s Volleyball Team sa koponan ng Far Eastern University sa pagpasok ng second round ng UAAP Women’s Volleyball.

Pambawi ito ng Lady Eagles sa pagkatalo nila sa lady Tamaraws sa unang round ng liga.

Sa tingin ni FEU Coach George Pascua, naging kampante ang kanyang mga players. Galing kasi ang FEU sa apat na sunod-sunod na panalo.


Sa kabila nito, tiwala si Pascua na makakabawi ang lady Tamaraws sa susunod nitong laban kontra sa UST sa March 14.

Facebook Comments