UAAP | Lady Spikers at Lady Tamaraws, maghaharap na sa championship

Manila, Philippines – Magtutuos ngayong hapon ang La Salle Lady Spikers at Far Eastern University Lady Tamaraws para sa championship game ng 80th UAAP Women’s Volleyball.

Kaabang-abang ang paghaharap ng dalawang team sa Smart Araneta Coliseum.

Siguradong magiging mahigpit ang labanan mamaya kung saan tila salat sa panalo ang Lady Tamaraws na sampung taon nang nagnanais ng panalo.


Ipinauubaya naman si Lady Spikers Head Coach Ramil De Jesus sa kanyang team ang kanilang kapalaran mamaya.

Para kay Lady Tamaraws Head Coach George Pascua, gagawin nila ang lahat para manalo sa laban na ito.

Facebook Comments